mga naligaw ng landas

Miyerkules, Hunyo 11, 2014

Maligayang Araw ng Kasarinlan

"Ihawin at Katayin ang mga PORK!  Ilagay sa BARREL tapos ibala sa KANYON!

Masaya ako ngayong araw dahil "Independence Day" nga di ba? pero kahit independence day eh marami talaga ang nagdiriwang ng kani-kanilang sariling "independence" araw-araw,,

- yung mga nagsarili na ng bahay at humiwalay na sa mga magulang nila.

- yung mga nagsarili na rin at sa wakas ay naka hiwalay na rin sa mga byenan nila (hehe)

- yung mga lalake na tuwang tuwa sa salitang "Araw ng Kalayaan" dahil SINGLE na daw sila

- yung mga lalake na tuwang tuwa sa salitang "Araw ng Kalayaan" dahil BABAE na daw sila

- yung mga bata na napakasaya ngayon dahil meron na rin silang natatamasang KALAYAAN dahil wala silang pasok ngayong araw.

- at yung mga loko-lokong lasenggero dahil walang trabaho ngayon kaya MALAYA silang mag-inom.

Pero sa seryosong pananalita, masyadong masarap pakinggan ang KALAYAAN kahit hindi pa natin talaga natin lubos itong natatamasa,,, di ko alam kung kalayaan maituturing ang pag-sandal natin sa Amerika na alam ko naman kahit papaano ay kinakailangan din naman natin sa pag-depensa sa ating sarili at kailangan talaga nating gawing ka-alyado dahil sa dami ng mga Pilipino na nagsipag-tirahan sa Amerika. Nalulungkot din ako kahit papaano pag ginugunita (syempre mas lamang parin ang pagiging masaya) ang araw na ito dahil MALAYA nga daw daw tayo, sabi yun ng buong mundo at ng bawat Pilipino,, MALAYA nga,,,, lakas naman nating sirain ang ating pagiging malaya sa pamamagitan ng korapsyon, pagiging makasarili, "crab-mentality", pag-tangkilik sa produkto ng ibang bansa kaysa sa sarili natin at sa napakarami pang kadahilanan. Sa tingin ko magiging isang daang porsyento na ang pagiging masaya ko tuwing ikalabindalawang araw ng Hunyo kapag nabigyan natin ng HUSTISYA o HALAGA ang salitang KALAYAAN na tinatamasa natin ngayon. Mahiya po tayo sa libo-libo o milyong mga tao na nag-pakahirap para lang nandito tayo ngayon sa kinakatayuan natin.

Salamat ulit sa pag-bisita, Mabuhay Pilipinas!


2 komento:

  1. If you think about it, lahat tayo ay preso sa planetang Earth at walang makakatakas sa atin LOL.

    TumugonBurahin
  2. tama... wag lang matutuloy yung colonization ng tao sa Mars .. ehehehe

    TumugonBurahin