mga naligaw ng landas

Martes, Hunyo 10, 2014

Bata Bata Paano Ka Walangya?

Sa lahat ng mga nangyayari sa panahong ito sa kapaligiran, di ko maiwasang itanong,, mas walangya nga ba ang mga bagong tao na sumisibol ngayon sa mundo? o talaga lang na nasa sa tao lang talaga ang sarili nyang ikasasama o ikakabuti? bakit ko nasabi? nung panahon kasi ng aking kabataan (elementary or highschool days ko) eh sabi ng mga matatanda samin dati pag medyo nag-wawalang-hiya kami (party, inom, sigarilyo, at kung anu-ano pa) eh "iba na talaga ang mga bata ngayon, mas masama pa kayo kaysa sa amin" .... na i-stuck sa kakapraso kong utak ang katagang iyon, sabay napa-isip pa tuloy ako lalo ng ganito "kung walangya pala kami noon eh talagang mas walangya pa pala mga bata ngayon." eh bakit ko nasabi? mas maraming bata ngayon kahit mga lima o anim na taong gulang palang ay hindi na nagsasalita ng "po at opo", mas marami ngayong bata ang hindi marunong makinig pag napapagsabihan, yung iba aasarin ka pa kahit alam na mali talaga sila. mas marami ngayon ang batang lalakeng mabisyo o mahilig bumira ng babae (halos pantay narin yung lalakeng kung umistayl ay babae) at ang mga babae parang mas maluluwag ang garter ngayon, baket? mas mabilis malaglag ang mga underwear nila ngayon. Ako na mismo eh gusto kong pasinungalingan ang sarili ko, kaso, hindi naman ako bulag, nakakapaglakad parin naman ako sa mga pampublikong lugar katulad ng mga malls, ka-kalsadahan at kung saan saan pa, marami na akong nakitang patunay, mga babaeng may dalang sanggol (di nyo pwedeng sabihin na kapatid nya lang yun dahil camera nalang ang kulang eh family picture na ang da-moves) tapos mga magsosyota na ang masasabi mo nalang eh "get a room", tapos mga magulang at anak na naguusap na halos yung anak na ang nagiging magulang dahil sa tono ng mga pananalita eh parang sila yung nanganak at sa kanila lumabas yung mga magulang nila. Pero syempre katulad nga ng nasabi ko kanina eh sana ay "NAGKAKAMALI" ako,, patunayan sana ng mga kabataan nating ngayon na hindi sila puro purma, uso, at pang-multimedia/social networking/selfie-ish na mga tao lamang, dapat ay maging maayos sila sa mga nakakatanda o sa ibang mga tao at lalong lalo na sa mga sarili nila.

salamt ulit sa pagdalaw,, ambait nyo talaga,, kahit hindi pa kayo multo,, dumadalaw na kayo

salamat! :D

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento