mga naligaw ng landas

Lunes, Hunyo 9, 2014

April Fools Ito, Hindi Friday The 13th...

Ayokong maniwala sa malas,, pero sa mga nangyayari eh... parang meron nga talagang malas...

Kwento ko ha??! (oo tama ka, ike-kwento ko talaga)

- Dapat maaga akong papasok dahil unang araw ng buwan (parang pag unang araw ng linggo lang yun eh) kaso naiwan ako nung sinasakyan kong jeep, 45 minutes tuloy akong na- late kasi magpupuno nanaman ng pasahero yung sumunod na jeep, pag dating ko sa opisina eh hindi ko pa namalayan na hindi ko pala nasuot yung sinturon ko at magkaiba pa medyas ko. waw... sarap

- Pagkatapos ng ilang araw, sinikmura ako ng matindi, akala ko nga ulcer na, pero nawala naman matapos ang tatlong araw, kaso sa loob ng tatlong araw na yun eh hindi ako nakakain ng ayos dahil ang hapdi pag-kumakain ako... tsk tsk... yun pa naman yung pinaka kinasasabikan ng mga tao sa opis kada araw, yung pagkain syempre sa tanghali.

- Nagpagupit ako (medyo long-hair na kasi) pero pag tingin ko sa salamin eh hindi ako masaya sa kinalabasan ng buhok ko,, kahit gusto kong magwala dun sa loob ng pagupitan eh hindi ko na ginawa dahil hindi naman pwedeng ibalik yung buhok na hinarvest sa ulo ko.


---- sa totoo lang medyo late na talaga itong post na ito,,, ito yung mga nangyari sa akin nung Abril... kasi sayang naman pag hindi ko na-publish,, bwehehe)


Sa ngayon eh parang di na ulit ako masyadong minamalas katulad ng buwan na yun,, kasi yung "pagpasok tapos may makakalimutan ako" na issue ay nasolusyunan ko na ng pagiging mahinahon at ang hindi pagpapa-dalos-dalos...pano yun? edi bumangon ng maaga... tapos yung pagiging mabwisitin ko sa pagco-commute ay nagawan ko na rin ng paraan.. anung paraan? edi bumili ako ng sarili kong motorsiklo,,, (para menos bad vibes sa mga taong "not so morning persons" ba) tapos nasolusyunan ko narin yung sa buhok ko,, pano? eh dalwang buwan narin naman nung mangyari yung kwento ko.. eto tumubo na,, medyo long hair na ulet... ayus!

salamat ulit sa pag dalaw, ugaliin nyo yan ha!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento