mga naligaw ng landas

Biyernes, Marso 21, 2014

Balanced Diet, ver. 200000

Siguradong sigurado na talaga ang panahon ng tag-init (pwera na lang dun sa mga palpak na forecast dahil umuulan ulan padin) nag-lipana na naman ang mga nangagarap mag display ng katawan sa beach, sa mga resort at kung saan saan pang katawan ng tubig dahil nauuso nanaman ang pagpapayat at pagpapaganda ng katawan, bakit ko nasabi? dahil isang katutak nanaman ang nag jo-jogging na nakikita ko sa aming lugar at hindi lang iyon dahil isang katutak din ang nagpo-post sa facebook na gutom na gutom na daw sila dahil sa ginagawa nilang diet... bwiset... nag diet ka pa, magrereklamo kalang pala. Hindi naman sa nagmamalinis ako,, dahil ako mismo naki-uso, takbo dito, takbo doon, buhat dito, buhat doon... pero naisip ko lang, pag mabisyo ka, patay ka, pag healthy lifestyle ka naman, zero gimik ka naman, kaya nakaisip ako ng solusyon at binigyan ko ng bagong kahulugan ang salitang "balanced diet" hehe...

una: masama daw ang manigarilyo bago tumako o mag-jogging kaya nagyoyosi ako "pagkatapos"

pangalwa: masama daw ang kain ng kain ng puro karne nalang palagi, dapat gulay at isda daw, edi nag chopsuey ako na karne ang lahok tapos ang sawsawan ko ay PATIS ...fish sauce yun..edi ISDA na rin yun.

pangatlo: yung "third law" ni newton ay isinabuhay ko nalang, ang sabi kasi doon ay "For every action, there is an equal and opposite reaction" kaya pag nagpakalango ako sa alak, babanatan ko ng super workout, pag nag superwork out ako, mas babanatan ko pa ng super alak.. (suicide ba kamo? di naman)


hehe pero seryoso, maganda talaga na isipin din naman natin ang ating katawan at kalusugan, at kahit anu pang panahon, mag pawis pawis naman tayo at gumalaw galaw naman... sabi nga sa kasabihan.... "galaw-galaw at baka ma-stroke"

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento