mga naligaw ng landas

Biyernes, Agosto 2, 2013

unlucky me noodles

(Naglalakad papunta sa trabaho ng biglang....)
Kumusta na kayo? pasensya na kung masyado akong matagal kung mawala (as if ... may nagke-care! ahehe) medyo alam nyo na, busy-busy-han parin, nangangarap parin na maging permanente dun sa trabahong pinapasukan ko (na sana eh magkatotoo na) kaso kaakibat nung pangarap ko eh may kapartner parin talaga na kapalpakan tulad ng pagiging late ko madalas, sayang nga eh, ganda daw ng performance ko kaso alas nwebe naman ako kung pumasok, wala rin! (di bale, i am working on that), pero bago pa ako masyadong ma "carried away" sa pagkukuwento eh binabati ko kayo, oo, congratulations at nandito ka nanaman at nagbabasa sa isang "alamat", kumbaga sa libro ay "best-seller", kumbaga sa pelikula ay "block-buster" kumbaga sa music industry ay "triple platinum", at kumbaga sa cellphone ay "phase-out"....(parang ampanget nung salitang yun ah...) well anyway hapibertdey! Welcome sa KWENTOKOTO dahil opkors! hindi mo ito kwento! tarararan! ...tado! (di ko maiwasan na hindi dagdagan.. pasensya na)


Katulad sa karamihan ng dati ko pang ipinapaskil sa blog na ito na malamang ay tungkol sa paghihinagpis at pagdurusa at malamang ay pagrereklamo ko nanaman sa iba't ibang bagay ay SURPRISE! (gulat ka?!) ganun nanaman po ang aking gagawin ngayon, dahil ang gusto kong bigyan ng liwanag (dahil sobrang labo) ng mga nangyayari sakin ngayong mga nakaraang araw..at wala ng ibang salarin sa tingin ko kundi ang MALAS o KA-MALASAN (hindi halas, paki-check ng maigi yung word please) medyo may pagka-superstitious kasi ako (kahit sabihin nung ibang tao na Ninja ako eh hindi nila alam na may lahi akong Pirata).

Well anyway skyway, kaya nasabi ko ng nuknukan ako ng malas ngayong mga nakaraang araw ay napansin ko na kada-aalis ako ng bahay at naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep eh ilang araw ko ng napapansin na dun isa dinadaanan ko ay laging may tumatae na aso dun sa gitna ng daanan, hindi ko pinapansin nung una siyempre,,, tae yun eh, kaso napapansin ko rin kada araw...ay parang kababalaghan na palapit ng palapit yung paa ko dun sa ebak, kumbaga yung reaksyon ba natin pag malapit na nating maapakan ang isang et-chas eh bigla kang mapapa UY! sa tingin ko eh palapit na ng palapit sa paa ko kada araw kasi mas malaking UY! yung nasasabi ko habang tumatagal .....eh (parang Final Destination VI ang dating), ayoko namang pangunahan pero sa loob-loob ko malapit ng mangyari ang aking kinakatakutan,,,,,,

Sa trabaho naman,, nagtataka ako dahil medyo matagal tagal narin ako dun sa trabaho ko, kaso nitong mga nakaraang araw ay napansin ko na puro "mali" at "reject" yung mga nagagawa ko, oo dati nagkakamali ako ng pa isa-isa,, pero ngayon, not one! not two! but wait.. there's more! TATLO na sunod sunod na kapalpakan ang nagawa ko, buti mabait pa nga yung boss ko kaya ang sabi nya "dahan dahan kalang sa gingawa mo, ingatan mo para di ka magkamali" na sa tingin ko ang iniisip nya talaga (T@ng ina tong hayop na to, dito na tatanda to puro katangahan padin) hehe, joke lang, mabait talaga si bossing (pa sipsip pako.. hindi naman nagbabasa yun sa blog ko) pero yung na nga,, sa sobrang malas ko eh nanghingi na ko ng "advice" sa katrabaho ko,,, sabi ko "pare, pano kaya mawawala tong kamalasan sakin, mag-iisang linggo na eh" sumagot naman siya ng seryoso "wag kang maniwala sa ganun,, baka nagkataon lang,..... pero try mong putulan ng konte yang "bangs" mo baka sakaling mawala yung malas mo" ......speechless ako..... di ko kasi alam kung seryoso siya, sabi ko sa sarili eh-eh baka malamang na nagbibiro lang yun (take note: kalbo/skinhead yun)

Marami pang mga maliliit na bagay o pangyayari na sa tingin ko ay kasabwat dun sa ka-malasan na sinasabi ko katulad pag nagsisipilyo ako eh sa pagmamadali ko (lagi nga akong late di ba?) eh imbis na tumama yung toothbrush sa ngipin ko eh sa gilagid humahataw na pagkasakit-sakit naman, minsan naranasan ko na lumagitik yung bristles sa ilong ko dahil sa paghahabol sa oras na kundi ka naman malas eh hindi mangyayari yun, tapos yung mga sabon na nag-shoo-shoot sa kubeta, yung sakto nalang ang pamasahe mo tapos magka-cutting trip pa yung mga hayop na jeepney driver (di naman lahat) kaya maglalakad pako pauwi imbis na sa tapat nalang ng kanto namin ako bababa, yung mga araw na nagpapainom ka pero pag ikaw na naghahanap ng magpapainom eh wala namang makapagpa-inom sayo, yung pag eebak ako eh may sindi pa ang yosi ko tapos pag upo ko at naglalabas na ko ng sama ng loob eh biglang mawawalan ng sindi yosi ko.....ang masakit dun ay WALA AKONG DALANG LIGHTERRRRRRR!!!!!.... ah ewan..... sana mawala na na tong kamalasan nato, takot nga akong lumabas ngayon baka may maningil sakin sa utang, hehe, pero anyway nai-bahagi ko lang sainyo,, buti pa kayo swerte kasi nagbabasa kayo ng blog ko :) .... hanggang dito nalang muna, putulin ko na muna (hindi yung anu ko) kundi ang kwento ko,,, nai-i-stress ako habang tina-type ko tong post na ito, sana'y swertehen tayong lahat, haggang sa susunod, madapakasana!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento