mga naligaw ng landas

Lunes, Agosto 5, 2013

sari sari story

Sari sari na talaga ang mga nangyayari sa panahong ito, "sari-sari" pero pare-pareho lang din naman, nag-iiba lang ang panahon at mga sangkot ngunit iisa lang din naman ang nilalaman, katulad ng mga ito:

Pangbu-bully sa atin ng ibang bansa - pag sila ang nagpakita ng pagka agresibo, tamang reklamo at kadalasan tameme tayo, pag naman tayo ang gumalaw ng kapraso at makapagpakita lang ng konting "muscle" (muscle na ga-pigsa) eh kulang nalang eh gerahin na tayo (tamaan na ang dapat tamaan) kupaloidan lang talaga ang labanan eh.

Sex Scandal - eto di ko alam kung ano ang magiging damdamin ko dito, panahon pa yata ng mga ninuno natin may ganto na, kaso hindi sa video...mapapanood mo sa telegrama (ahehe) pero sa seryosohang pananalita ay nakakapagtaka lang, alam mo yung posibilidad na ang isang ni-record na kaganapan tulad ng pagtatalik eh malamang pwedeng maisambulat yan, kahit gaano kapribado ang isang video eh kung nagkalat naman ang mga walanghiya ay pwede paring lumabas yan, ---ah ewan, kawawa rin naman yung babae at hindi ito nararapat na mangyari sa kanya... (malamang yung pinakabagong sex scandal yung sinasabi ko) ... siguro ang solusyon sa bagay na iyan eh wag nyo nalang kuhanan ng video yung mga sarili nyo o kung di parin makatiis at trip na trip lang talaga eh wag nyo naman sanang bulukin sa mga hard disk nyo o sa mga temporary storage devices nyo yung mga "careless whisper" moment nyo, pagka play back nyo ng isa o dalawang beses eh parang awa naman na burahin nyo nalang, gawa nalang ulit kayo ng bago,,, or kung gusto nyo lang talagang maging porn star eh di sige ibenta nyo nalang.

Pag-aalis ng Pork Barrel - kung ang diskarte ng gobyerno ay magpaparinig lang sa mga senador at mga congressman na ang solusyon sa pag-alis sa pork barrel ay magsisimula sa hindi nila pag-tanggap dito eh para mong binati ng "HOW ARE YOU?" ang alaga mong aso habang nag aantay ka ng sagot na "I'M FINE THANK YOU"

Kahirapan - eto magulo.... meron akong kilala,,, hirap at hikahos ang pamilya --- may LAPTOP,,,, may kilala ako walang makain pero may SMART PHONE.... meron pa diyan,,, walang trabaho... may KOTSE.. anak ng naghihirap yan, (pero seryoso, mahirap talaga buhay, kahit saan naman eh, kahit magpunta ka pa sa MARS... sikap sikap lang tayo)

napadaan lang po ako ulit, salamat sa pagbabasa, magandang gabi at madapakasana : )

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento