mga naligaw ng landas

Huwebes, Nobyembre 15, 2012

Tinta Mode (Part 3)

Ang tindi na talaga ng muka ko kung inakala ko na magiging masaya ang mga mambabasa ng blog na ito dahil sa pagkatagal tagal kong hindi nakapag-update eh ang ibubungad ko lang sa aking pagbabalik eh ang panibagong tinta lang pala sa katawan ko? ......... sa maniwala po kayo't sa hindi... eh... ganun na nga ehehe, pasensya na kayo kasi super duper mega busy talaga ako, ang katotohanan nga nun eh akala ko mawawala na talaga ng tuluyan itong mumunting blog na ito na ang tanging ginawa lang eh puro "pag so-sorry sa matagal na pag-po-post lang ang alam na gawin"...pero pero...hmmm.. anyway holiday (sabay kambyo eh)  mabalik ako sa pagpapalapat ko ng bagong tinta, nakasanayan ko na rin kasi ang pagpopost dito sa kwentokoto pag nakakapagpalapat ako, kaya eto na nga po..


Hind pa po talaga tapos iyan, kulang pa sa kaunting shading at kung anu-anu pa, ang kaso nga lang eh baka yan na po ang huling tinta na lalapat sa katawan ko dahil sabi nga po ng mapag mahal kong misis "pag nadagdagan pa yan eh mag-aaway na tayo" :) 

Salamat po sa pag bisita,,, at ang masasabi ko lang.... tuloy nanaman ang kwentuhan dahil kwentokoto eh (ang korni ng huling linya eh, parang nag po-promtoe ng talkshow hehe)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento