mga naligaw ng landas

Martes, Hulyo 31, 2012

AKO MUNA


"eto ang laging iniisip ng karamihan sa atin, siyempre  walang aamin na ganto sila hindi ba?"


-          Gusto ko lang pag usapan ang mga bagay na kumakabit sa salitang “Ako Muna”, Anong meron sa salitang iyon at bakit ko ito gustong talakayin? Dahil araw araw nalang ay may nakikita akong ganito, hindi ko na nga mawari kung talagang ganito tayong mga Pilipino o sadya lang talaga na makasarili lang talaga ang lahat ng tao sa mundong ito. Marami ka naman talagang makikita na pangyayari sa pang araw araw na umaayon dun sa salitang “Ako Muna” na nabanggit ko, may ilang halimbawa ako na bibigyang buhay ko sa pamamagitan ng paglalagay ko sa sarili ko sa sitwasyon na “Ako Muna”

-          Sa pagsakay sa pampasaherong dyip at kung anu pang transportasyong pang-masa, eh hindi ako iipod para lamang maging komportable ang katabi ko, hindi ko naman yun kakilala eh at ano bang pakelam ko dun? siyempre, bakit ko iisipin ang sitwasyon nya kung ako naman yung masisikipan, hindi ba?

-          Ipapahamak ko yung katrabaho ko para malihis ang atensyon ng mga kinauukulan sa mga pagkakamali na ako naman talaga ang may kasalanan. Edi safe na safe ako diba?

-          Bakit ako magbibigay kung wala naman akong makukuhang kapalit o pampalubag loob man lamang, wais to! Uutusan ako tapos hindi man lang ako mabigyan ng pang sigarilyo?

-          Bakit ako pipila ng maayos? Pwede naman akong magpanggap na “senior citizen” diba? Matanda na rin naman ako kahit wala pa ako sa pagiging senior citizen, medyo may puti narin naman ang buhok ko diba? Hindi na ako masisita at mahahalta kahit mag-cut ako sa pila o pumila ako sa hindi ko naman talaga pila.

-          Kelangan makakuuha ako ng mga papremyo sa pa-contest ng kumpanya, konting daya lang naman at sabagay.....laru-laro lang din naman yun eh.

-          Siguro mas mabuti na kumuha muna ako ng konti dun sa pinaghirapan ng iba, may kinikita pa naman yung kaibigan ko eh, mapapagtrabahuan pa nya yung pera na kukuhanin ko, total hindi naman nya bilang eh.

Nakakalungkot isipin at mahirap din talagang lunukin, hindi maitatanggi pero nagkalat parin talaga ang ganyang mga tao at sa totoo lang,, hindi ko alam kung paano din sila mapagbabago,,, kailangan ba na mabasa muna nila ang post kong ito? Kelangan bang pangaralan lang at kausapin sila? ipa-pray over ba o ipapa-bendisyunan? Kung anu man ang solusyon eh hindi ko talaga alam,,, hindi rin naman sa nagmamalinis ako…kasi minsan madamot talaga ako sa yosi lalo na pag iisang piraso nalang ang natitirang laman ng kaha ko, kaya sinosolo ko na talaga, Hindi ko kasi trip yung "Ako Muna" mas gusto ko yung salitang "Paano Na Ko? :p .......

………..salamat po at magandang araw

2 komento:

  1. Isang magandang (sarkastikong) pananaw Xinoko.
    Madalas ko ring naiisip 'yan, totoo wala naman talaga tayong pakialam sa kanila pero mas nilawakan ko na ngayon ang pang-unawa ko.

    Mahirap isipin na marami ang nagti take advantage na mga tao sa taglay na kasakiman, pera at katungkulan pero kung ganoon na rin ang mentalidad natin...wala na tayong pinagkaiba sa kanila.
    Magandang araw sa'yo.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. @limarx214 --- mukhang ganoon na nga po talaga,,parang "cannibalism" lang yan eh, ahehe.

      salamat po sa pag bisita

      Burahin