mga naligaw ng landas

Biyernes, Disyembre 9, 2011

krimas party party *hik

"ito po ay hindi saklay, hindi baso at lalong hindi ito saingan,, ito po ay ang Angklung"


eto na nga,, super malapit na ang krismas,, papahuli ba naman ang opisinang pinagtatrabahuan ko kung christmas party ang pag-uusapan? siyempre hinde,, kaya lahat kaming mga empleyado ay pinaghiwahiwalay at inilagay sa iba't ibang grupo, ang bawat grupo daw na nabuo ay gagawa ng "presentasyon",,,, depende na dun sa grupo na iyon kung ano ang kanilang gagawin, ang balita ko pa nga eh may papremyo daw ito (sa totoo lang ginanahan ako nung marinig ko na may premyo pala ahehe). well anyway ashtray....Nakakatawa yung mga ideya ng bawat taong nakakausap ko tungkol sa mga naiisip nilang gagawin sa krismas party na yun...yung isa ang sabi eh tutulay sila sa alambre, yung isa ang sabi kukuha daw sila ng gasolina at ipapaligo dun sa isa nilang miyembro nila tapos sisindihan daw nila...yung isa naman sabi kukuha daw ng flourescent bulb tapos ipapalo dun sa isa din nilang member tapos kakainin nung pumalo yung kaputol nung ipinalong bumbilya... waw ispirit na ispirit nga,,, pero hindi ng "krimas" kundi "bad spirit"...(ambrutal eh). para naman dun sa grupo ko,, napagpasyahan namin na hatiin ang aming grupo sa tatlong presentasyon,,, may labindalawa na ibinukod (kasama na ako) na tutugtog ng isang ethnic na instrumento na ang pangalan ay "angklung" (yata....) gawa ito sa kawayan at  kakalug-kalugin mo lang ito at maglalabas na ito ng "sound", (alangan naman kung "sinangag" o "sinaing" ang ilabas nun hehe...) tapos yung natitira na halos tatlumpung katao ay kakanta ng "we wish you a merry christmas" na pa-sway sway lang ng konti,, at yung panghuli ay yung pinaka boss na kakantang mag-isa habang nag chu-chuwariwap kaming lahat sa likod nya,,, ang galing anu po? anung sinabi ng broadway? anung panama ng glee? sa sarili ko kasing opinyon eh panalo na kami kasi malamang lahat nung kasali eh kakanta at sasayaw lang,, eh kami may instrument pa.....pero naiisip ko rin...sure win na sure win malamang ito kung may sisilaban din kaming tao o di kaya ay meron din kaming taong hahatawin ng flourescent bulb, o di kaya ay may mag b-break dance sa sahig na may nakalatag na limang kilong pakong de-dos o de-uno.... o di kaya ay mag ka-cartwheel kaming lahat sa grupo tapos may mga thumbtacks at basag na salamin na nakakalat sa dancefloor...... teka teka nahahawa na ko dun sa mga nakausap ko eh... sa seryosong pananalita... matalo manalo kami sa contest na yun ay ok lang,.. magkakasiyahan ang lahat, malilibang ang lahat at magkakasama lahat ng empleyado na kumpleto sa loob isang araw,,,, pero mas ok kung makukuha ko yung premyo bwahahaha

4 (na) komento:

  1. @harvey ---salamat po,, sana nga po manalo :)

    TumugonBurahin
  2. kla ko entry din eto sa pacontest ni gasoline dude parang ang laki ata ng premyo kung yun mga nbangit mo ay ggawin ng iba, hehe pero gudluck sa xmas party nyu!

    TumugonBurahin
  3. @palakanton ---salamat po sir,, i-ta-try ko na gandahan ang pagsunog,,, este pag peperform pala hehe,, salamat ho!

    TumugonBurahin