mga naligaw ng landas

Martes, Disyembre 6, 2011

ako ay nagbalik (nanaman)

I'M BACK! (parang intro lang ng Plants Vs. Zombies yung image hehe)


hindi po kayo namamalik mata at hindi rin po ito guni-guni,,,, tama po kayo,,, nag balik nanaman ako... sa wakas! pasensya na po ulit kayo at sa lahat ng mga fans ko...hindi po lahat ng laban ko ay palaging knock out, di ba ko pwede manalo ng close fight? (ahehe si paqcuiao pala yun)

eto nanaman po ako at nagbabalik, pasensya na po at matagal tagal akong nawala... bukod sa dami ng trabaho (at lumalalang kakornihan ko) ay may inaasikaso po kasi akong fan page (ng kaibigan ko) sa facebook (na sa mga susunod na pagkakataon ay ibabahagi ko ang link dito sa aking blog),,, well anyway hapibertdey,,, anu na ba ang nangyari sa mundo? bukod sa mga rebelasyon ni Mo Twisted,,este Twister pala...sa break-up, mga rebelasyon at pag-amin ni Piolo...(ha? ah bakit? di pa ba naamin? sorry :p) at sa pagkabilanggo/house arrest kuno ni Cong. Gloria Arroyo? wag nalang banggitin ang 2012 at naaalala ko yung movie na 2012 din ang title ahehe,,, pero sa totoo lang (totoo daw o) matagal tagal din akong na bakante sa pagsusulat dito sa kwentokoto akala ko nga nawala na yung hilig ko sa pag susulat,, ng biglang.....*drum rolls... GUSTO KO NA ULIT! yehey!......*(katahimikan).....di ko alam kung ito ba ay dahil sa tuwa, sa pagibig, sa pighati o simpleng pagkasira-ulo ko lamang,,, eh gusto ko na ulit mag sulat eh.. hehe :) well anyway,,, isiningit ko lang yung aking pahabol na eksplanasyon kung bakit andito nanaman ako,,,,lalo na ngayon na mas nakakaganang mag sulat (mag-type dahil keyboard ang gamit sa computer para makapagpasok ng letra hindi ba?) dahil malamig ang panahon (na nagiging mainit minsan...isisi nalang sa global warming) at sa gantong season na dapat sana ay "consistent" (waw english) ang pagiging malamig ang panahon (December na kasi) ay tuwang tuwa nanaman ang mga sira-ulo na nag-iintay sa pag patak ng snow,,,, ang tanga tanga ng mga sira ulong nag-aantay ng snow dito sa Pinas... nung may nakausap nga akong isang sira-ulo eh ang sabi ko "intay ka ng intay ng snow dito sa atin pag Disyembre! hindi na mangyayari yun! kung pumayag lang yung mga ninuno natin na masakop tayo ng amerika edi sana araw araw may snow dito!" hay mga sira-ulo nga naman.... pero dahil nga Disyembre at mag-papasko na nga ay mas marami akong napapansin na nagaganap sa kapaligiran ko, katulad ng mga establisyementong karaniwan ay sarado na kapag gabi pero sa ngayon ay makikita mo pang bukas dahil mga nagpaparaktis na ang mga empleyado ng kanilang dance number sa christmas party nila,, mga pilingerong naglalabas na ng mga jacket na kamukha nung mga jacket ng mga koreano na may balahibo ng kung anong four legged animal ang nakalawit dun sa may kuwelyo, yung mga taong palaging nakangiti dahil madalas na nilang naririnig yung ideya ng bonus (bitter lang siguro ako,, kontraktwal ako eh ehehe), mga krimas lights tapos may sumasayaw na mga babae,,,(ay! iba pala yun,,gabi gabi pala sa loob ng isang taon nakikita yun)..pero sa isang banda,, sigurado dahil nga sa magpapasko na ay marami sa atin ang mga nagpaplano na bumili ng mga bagong cellphone, bagong damit, bagong kotse (waw yaman,,) bagong kung anu-ano...pero para sa akin,,, ganto eh,, pano ko ba i-eexplain,,, ganto.... ako lang siguro yung taong gustong bumili ng aircon para sa pasko,,, hehe medyo kakaiba nga,,, malamig na nga diba tapos erkon pa bibilhin ko? naisip ko lang naman na baka mas mura pag walang interes ang mga tao sa isang bagay,... tapos siyempre oportunidad na yun para makamura,, at pag nag-summer eh medyo ngingisi-ngisi nako sa isang tabi dahil nakabili na ko at hindi na ko inabot ng summer sa pagbili (na malamang ay tataas ang demand para sa item na iyon) ewan ba.. haha, wag nyo nalang intindihin at naibahagi ko lang naman,,, (nasa pagitan ba naman ng isang mall at dikit dikit na kabahayan ang bahay mo, ewan ko nalang kundi ka mangarap bumili ng aircon hehe).... hehe pagbigyan nyo nako sa mga pinagsasabi ko,,magpapasko naman diba? sabi pa nga "be kind to animals" (pang krismas ba yun?) ah eto pala....ang krismas daw ay time for "giving and sharing" give mo nalang,, wag mo na i-share...napaka-kuripot mo naman eh,, at "peace on earth" sana..dahil parang mga taga-ibang planeta ang mga tao dito sa mundo dahil sa mga giyera at pag sira sa kapalligiran,,, at ..."I'm dreaming of a white christmas" .....sabi ko sa inyo eh nagka-totoo sana ito kung nasakop lang talaga tayo ng mga amerkano ......may snow na sana tayo! (hehe)


5 komento: