mga naligaw ng landas

Biyernes, Oktubre 14, 2011

the return of the comeback

akalain nyo,, nakabalik na ko sa wakas!!! (ilang beses ko na bang sinabi ito? hehe) pero sa totoo lang medyo walang mga ideyang pumapasok sa kukote kong walang laman, tsk tsk,,, masama yun,, siguro kulang lang ako sa alak, well anyway kamatsiley, siguro nawalan ako ng gana sa pag gawa ng post dito sa blog ko simula nung nauso yung "malware detected" thingy na gumulat sakin kama-kailan lamang,, (uyyyyy nagdadahilan) shut up konsensya! .... uhumm... ehemm,, basta ang mahalaga po ay nasa fighting form na ulit ako,, este "writing form" pala po,, andito na muli at mambubuwisit nanaman sa inyo,,,

ang daming ka-ewanan na nangyari sa mundo (sa lugar ko lang... ang ibig sabihin ko..) simula nung huminto ako sa pag papaskil ng mga post ko dito sa blog ko... sa Bacoor, Cavite, Holdapan dahil daw sa kawalan ng trabaho ang idinadahilan nung mga nahuling "bank robber",,, tsk tsk,,, profession na talaga ang tingin ng mga taong di makapag isip ng tama patungkol sa pag gawa ng masama,,, ang maganda lang na nabasa ko sa balitang iyon ay walang namatay at malubhang nasaktan sa mga na-hostage (pwera na lang dun sa isa na tumalon sa 2nd floor,, medyo masakit lang siguro yun,,,)

sa San Pablo, Laguna,,, pinatay ng isang lalake ang isang pamilya (may naka survive naman na bata....yun ay dahil nagpatay patayan pa siya) dahil sa napag bintangan lang siya tungkol sa pagnanakaw ng kabayo (di ko sure kung pagnanakaw ng kabayo o pagpatay ng kabayo yun) kahit anu pang tungkol sa kabayo ang usapan ay di dapat pumatay ng tao, kahit pag bintangan ka pa na nagnakaw o pumatay ng kabayo eh wag kang papatay ng kapwa mo tao (anak ka ng kabayo kang killer ka),,, ako nga pinagbibintangan pumatay kay Jose Rizal pero deny lang ako,, malay ko ba dun... pero seriously... wag naman sanang ganun, anu na ang mangyayari dun sa survivor nung trahedyang yun, ng dahil sa nabanggit kong issue ay mangungulila yung nakaligtas? napaka-walang saysay na pagkitil sa buhay ng may buhay....

Tapos sa Los BaƱos, Laguna, ni-rape at pinatay ang isang estudyante ng UPLB,, anak ng kamote,, may mga trabaho (security guard at tricycle driver) naman yung mga gagong pumatay dun sa babae tapos ang sasabihin nila ay hoholdapin lang nila dapat?(eh may mga hanapbuhay nga sila eh,, bakit sila manghoholdap?) ,,,eh panu dun sa rape na ginawa nila? di ba nga't may mga trabaho sila? hindi ba nila kayang mag "beer house" mag-"special service" at higit sa lahat ay "wala ba silang mga kamay"? hindi naman siguro sila napaka panget para di makapangligaw at magkasyota (umm,,ewan ko lang din, baka nga).. bakit kelangan pa pumatay at manggahasa? mga sabog sa ipinagbabawal na gamot lang ang mga makakagawa ng ganung klaseng mga bagay, kaya sa madaling salita ay wag kayong gagamit ng droga (pwera paracetamol) kung gusto nyong manatili sa "pagiging tao" ,,, (kasalukuyan ng naka-piit ang mga may sala,, umamin na sila)

Nakikisimpatya po ako sa mga naiwan ng biktima,, kahit di ko kilala ang biktima at ang kaniyang pamilya at kahit hindi rin ako estudyante ng UPLB.. di ko maikakaila na maliit lang ang aming bayan at dapat lang talagang magdamayan,... at higit sa lahat ay walang kahit na anong dahilan ang matatanggap ng lipunan kapag ikaw ay pumatay ng taong INOSENTE at walang KALABAN-LABAN,


RIP Given Grace Cebanico
"JUSTICE FOR GIVEN"
 

5 komento:

  1. Uo nga narinig ko tong balita na nung kelan lang, mga Taong wala sa sarili ang nakakagawa ng ganyan bagay tsk. tsk. ingat ka rin diyan

    TumugonBurahin
  2. @harvey ---tama, mga sabog kasi yung mga yun sigurado,,, salamat at ingat rin

    TumugonBurahin
  3. haha.! natawa na man ako sa mga punching lines mo.! lol title pa lng sobrang catchy na...

    ako nga rin eh so months pa ago last update ko sa blog ko...buti ka pa naka update ulit ^_^

    TumugonBurahin
  4. @riZa d' hoLic ---salamat naman po at bumebenta sa iyo ang mga patawa ko,, sana mabasa mo pa ang iba kong naisulat,,,

    may mga "dry season" talaga pag dating sa pag-uupdate ng blog,, basta wag ka susuko at tira parin ng tira sa pagsusulat pag may naisip ka..

    salamat po at magandang araw

    TumugonBurahin
  5. @riZa d' hoLic --- sayo pala ang blog na "Aba! nagsusulat na pala ako....." nice blog,, tuloy tuloy lang po, good day ulit :)

    TumugonBurahin