mga naligaw ng landas

Linggo, Oktubre 16, 2011

mga sumagi sa aking isip ngayong araw

"parang nakalabas na yung ibang turnilyo sa utak ko ah ahehe"

marami-rami din akong mga bagay na napag isip isip ngayong araw bukod dun sa mga iniisip ko na..

"anak ng kamote,,,, sunday na naman,,, ok sana ang sunday kasi walang pasok,, kaso may resbak pala itong araw na to,,, kapag inisip mong sunday eh awtomatik na maiisip mo na,, MONDAY na pala kinabukasan at may pasok nanaman,, hay buhay,, bakit ba kelangang mag trabaho ang tao? ito ba ay para mabuhay? para magkapera? anu ba ang solusyon sa kagutuman sa mundo? ilang kuko ba sa daliri ko sa paa ang gugupitan ko? maliligo na ba ko??"

yan ang ilang mga tanong na gumugulo sa isip ko,,, ng biglang....... mas may mabigat na katangahan akong naisip (na-surpresa pa ba kau?).....

"hmm.. ampanget siguro ng angry birds pag isinalin sa tagalog yung title.... Angry Birds = Mga Galit na Titi... tsk,,, parang masagwa pala"

"Walangya pala talaga ang larong Basketbol,,, mag susuntukan sila para sa iisang bola,, bigyan ko nalang kaya sila ng tig-iisa"

"bakit kaya hindi natutunaw ang malunggay? ganun parin kasi itsura nya pag na jerbax ako,, organic din naman yun ah,,, pati yung mga kumpare nya na si kamatis at mais ganun din...."

"bakit ko ba lagi ni re-refresh ang facebook ko kada 3 seconds?"

"bakit pag may ubo ako tumitigil ako mag yosi tapos pag ok na ko yoyosi na ulit?"

"di kasi ako sanay ng nag-iitay,,, pero bakit di ako naiinip na intayin ang pag gising ko pag natutulog ako?

madaming kahila-hilkabot na mga tanong ang sumagi sa isip ko ngayong araw na ito,,, siguro tinotoyo nanaman ako dahil alam ko na magtatrabaho nanaman ako bukas, walang humpay at walang puknat, nag u-unload lang siguro ako ngayon... paano po? salamat po ulit sa matiyagang pag babasa,,, hanggang sa muli mga bata, wag kayong aalissss,,, babalik kamiiii,,,,,

3 komento:

  1. angry birds=galit na titi?
    loko ka hehehe!

    TumugonBurahin
  2. @Ka-Swak ---pasensya na po, napagtanto ko lang po na ganun pala ang kalalabasan nun pag isinalin sa tagalog ahehe

    TumugonBurahin