mga naligaw ng landas

Linggo, Oktubre 23, 2011

na-uso ang uso

ibang klase rin naman talaga ang panahon ngayon,,, lahat ng tao ang hihilig maki-uso,, pero sino pa ba ang pinaka da best sa ganyan kundi tayong Pilipino,, oo alam ko mahilig na talaga tayo sa mga uso-usong ganyan kahit noon pa, nung dekada 50 eh halos maging amerikano na lahat tayo sa lahat ng klaseng bagay tulad sa pananamit, pananalita at sa pamumuhay.. dun din yata sa dekadang iyon nagsimula (kundi ako nagkakamali) 50's hanggang 80's eh parang wala tayong ka-sigla sigla sa produktong pilipino na kung minsan ang sinasabi pa natin pag may "made in the philippines" tayong mga gamit ay "eww", "yuck" at "cheap" (di ko naman nilalahat) pero sa totoo lang kundi pa siguro nag pursigi si Francis M. sa produkto niyang damit ay hindi pa tayo matatauhan ....well anyway shokey,,, mabalik ako sa sinasabi ko na "sobrang hilig natin sa pakikiuso,, eto ang eksampol ko... ilang mga yugto sa isang dekada (90's ang eksampol ko dahil dito naganap ang malaking parte ng kabataan ko) na ang feeling natin or ng karamihan sa atin ay napaka cool natin....dahil nga "USO" eh (noong panahong iyon hehe) tapos pag naluma eh matatawa ka nalang sa sarili mo at masasabi mo sa sarili mo na "ow may syet,,,, ginawa ko ba yun dati?

1. "keempee" at "undercut" na hairstyle

-halos lahat yata ng mga tambay sa kalye, estudyante sa public school at mga "rich kids" kung tawagin ay hindi nag pahuli nung mga panahong nauso itong hairstyle na to,, iba-brush up pa paminsan itong klase ng buhok na ito para malaman ng mga tao na hindi lang "keempee" ang buhok nila...."undercut" pa! hehe  





2. tamagochi


-sa isang banda ng ating kamalayan ay may mga lumabas na malilit na "impakto" este,, maliliit na mga "virtual pets" pala na kelangang pakainin, laruin, patulugin, at i-groom (ta-tae pa yan ha)... iyan ang tamagochi,, isa rin siguro kayo sa mga namatayan ng alagang "dinosaur",, tama ba?











3. pag kukulay sa buhok na gamit ang "agua oxinada"


-halos mag kaubusan sa mga drugstore ng "agua oxinada" nung mga panahong ito'y nauso,,, hindi talaga mahilig makinig tayong mga Pilipino,, (sa SUGAT nga eh, Hindi sa BUHOK) ahehe















4. Dambuhalang Video Camera

-cool na cool ka pag may kasing lake ng kalhating blokeng yelo kang bitbit na "Video Cam" dati,, tapos ipe-play back mo pa,, siyempre mapapanood yung playback nun sa katiting na katiting na eyepiece nun,,(para kalang namboboso pero yung playback ang pinapanood mo)










5. CD Players at Walkman
-may isang article sa internet (di ko na matandaan pero sa internet yun,, nuh ka ba,, ehehe) may isang bata kasi ang nagsulat na,,, "my Dad used to play music with that thing? that thing's ancient"  ---sabi nga nung bata.. o di ba?yung sa CD Players naman,, ang cool cool mo na noon pag may dala kang ga-platito na player tapos may dalawang bag na CD kang dala... tig fifty pa ang laman sa bawat CD organizer, hehe

6. Shoulder Pads
-isa lang nasa isip ko pag nakakakita ako ng ganto noon,,, "May NFL na ba sa 'Pinas?"



















7. Alpombra slippers
-naging isa ka na rin ba sa mga taong hindi na nawalan ng "carpet" sa paa?













8. Telebabad

-eto usong uso dati sa mga kasambahay,,, buti nalang naimbento ang cellphone, txt, at unli-call, (may makaka lusot na rin na tawag sa landline nyo ehehe)















9. Disco

-magsasayaw ka lang sa tugtog nila vanilla ice, backstreet boys, ace of base, at kantang "total eclipse of the heart"











10. VHS Porn

-yung ibang manyak siguro ay nausuhan din nito (malamang isa na sa mga tito ninyo ang naka experience nito),, pero siguradong hirap na hirap sila sa panonood dahil kelangan pa nilang i-rewind pag bitin sila sa panonood,, at pindot pindot miyat miya sa rewind habang naka play dahil may na-miss na umaatikabong mga eksena













11. Mga Naglalakihang Cellphone 

-parang mga pangkaskas ng yelo, pwede ipag batuhan, at parang calculator ang mga itsura ng ating mga cellphone dati, pati yung mga niloload dito malalaki rin,,,, 300 ba naman ang pinaka mababang pre paid card! (yung nasa model siguradong mga post paid yung ganyang mga itsura)














12. TV de antenna,, (yung tipong dikit pa sa TV yung antenna) 



- kumusta naman ang panonood sa TV? malamang saulo mo na ang lahat ng episodes ng "mara clara", "marimar" at ng "Villa Quintana"















13. Cartoons 

- malamang sawang sawa ka din sa "Popeye the sailor man" , "tom and jerry" at "captain planet" na cartoons nung mga panahong iyun...







14. Video games
- di ka siguro maawat ng nanay mo sa paglalaro ng "street fighter", "battle city", "donkey kong", "mappy" at ng "adventure island"... kelangan ka pang sigawan pag kainan na......









15. Stereo (Radio w/ cassette player
                    - Oh! stop na! side B naman,,,, ehehe



















16. Panty 

- Malamang puro "SO-EN" pa mga brand nung panahong iyun.... buti wala pa FHM nun"



















----sana po ay natuwa kayo sa mga eksampol ko,, kundi naman,, keri ko naman,, edi gumawa ka ng sarili mo,, eheh,, jokjokjok lang po,,, pero serilously... salamat po,, hanggang sa susunod na post ko ha,,, mag babasa ka ulit :D


1 komento:

  1. haha naalala ko yung walkman na yan hindi pa kasi uso yung ipod patay na patay ako sa walkman hindi lang talaga pinagkalooban dahil walang pera :)

    pero dati meron akong tamagotchi! gradeschool ata ako nagkaroon.

    TumugonBurahin