mga naligaw ng landas

Lunes, Agosto 8, 2011

kung ikaw ay masaya tumambling ka

  "hindi nyo kita na may hawak akong grenade launcher sa likod ko,, kahit marami akong chu-chugiin mamaya ay di parin ako malulungkot dahil masaya parin ako ngayon weeee!"
walang kaugnayan sa pag tambling ang blog post ko ngayon pero malamang sa pagiging masaya ay meron,,,iba  talaga pag masaya ka,, alam mo naman yung pakiramdam ng masaya hindi ba? sobrang bait mo sa lahat ng tao, kahit sa mga hindi mo kakilala,,, kahit nga sa aso natutuwa ka at napapa sabi ka ng.. "*tweetweew! (sipol) chooooo! chooo! come to papi, puppy! :)" (hindi po tren ang ginagaya ko at lalong hindi po iyun tunog ng huni ng ibon, tunog po iyan ng pang tawag sa isang aso ha,,,umayos ka) marami talaga tayong mga iba't ibang mga bagay na nagagawa na parang sa tingin natin ay hindi naman natin talaga mga ginagawa o talagang ayaw talaga nting gawin na dahil nga ay masaya tayo eh nagagawa natin ng wala ng pag iisip (otomatik kumbaga)

 - nanlibre ka ng yosi, kendi, o di kaya ay mag sasabi ka ng "keep the change",,, tingnan ko kung magawa mo yan kapag badtrip ka,, ahehe

 - napapakanta ka ng mga "lovesong" at mga "90's pop songs" na ayaw na ayaw mong marinig at kantahin pag kalmado kalmado ka lang o di kaya ay kapag badtrip ka..

 - mapapangiti ka sa bawat taong makakasalubong mo sa kalye (na malamang hindi mo naman mga kakilala)..

 - pag magbabayad ka ng pamasahe sa jip ... (parang ganto) "manong eto po ang bayad ko.." or "makikiabot nga po ng bayad" .... na kapag badtrip ka naman or normal ka lang eh ganto .... "bayad nga" or kukulbitin lang ang katabi sabay bigay ng pamasahe.... ahehe

 - na maging magalang sa mga magulang,,, gumagamit ng "po" at "opo" with matching (matsing?) smile pa, na kapag tipikal o "bad day" eh ganto....
Nanay: "anak bili ka nga ng suka sa tindahan...."
Ikaw: "kakaasar naman eh, ang layo layo tapos ang init-init!",, tinatamad ako! (sabay turo sa mas batang kapatid hehe...)

 - na maging galante,,, bunot ng bunot sa bulsa ng pera kapag may inuman (masaya kasi ang araw nya eh),,,,pero kapag badtrip naman eh sa brip o sa panty itatago yung pera....

madami pala talagang mga bagay ng nagagawa ang pagiging masaya,,, malamang pati rin ang pagiging galit or bad trip ay may mga epekto rin,,,,(ang tanga nung sinabi kong yun ah...) ... pero anyway oneway,,, malaki talaga ang epekto ng ibat ibang mga emosyon sa pang araw araw nating pamumuhay,,, kaya eto lang ang tatandaan nyo, ito lang ang maipapangaral ko sa inyo at sa lahat ng mga susunod pang heneresyon na mambabasa ng kwentokoto....


                    "habang may buhay, habang may buhay,
                      hanggat ang dugo ko ay dumadaloy,
                      sa'yo lamang.... i-aalay"   


      (ahehe wag ka ng mag-react, walang basagan ng trip)




                                         

2 komento:

  1. buti ka pa masaya, inggit naman ako sau.. malungkot ako now eh, hnd ko alam bakit..:(

    TumugonBurahin
  2. y naman po? :( backread lang kayo d2 sa blog ko,, baka sakali po'ng sumaya kayo

    TumugonBurahin