mga naligaw ng landas

Lunes, Hulyo 11, 2011

kain kumain kinain kakainin (may magawa nalang title ano po?)

"kakainin mo ko? tuktukan kita luko ka"
tanghalian nanaman,,, bibili nanaman ng ulam sa canteen.... anu nakita ko?

   Apat na klase ng Luto sa Baboy:
            - Pritong Baboy
            - Adobong Baboy
            - Binagoongang Baboy
            - Parang Adobong Baboy

Para maiba naman,,,, tumingin ako sa kabilang mga lalagyanan ng ulam... anu nakita ko?

  Apat na klase ng Luto sa Prayd Tsiken:
            - Pritong Tsiken
            -Adobong Tsiken
            - Tsiken na Parang may Tomato Sauce
            - Pritong Manok (teka.. nasabi ko na ba to?)

  o eto pinaka maraming version pag bibili ka sa mga karinderya.....

  WALO (8) na klase ng luto sa Isda
             - I
             - NI
             - HAW
             - PRI
             - TO
             - SI
             - NI
             - GANG

di ko na isasama yung sa gulay.... alam naman natin na sa kantang "bahay kubo" eh ang mga lagi lang nating nakakain dun eh yung,, sibuyas, kamatis (botanically-->fruit ito pero pag iluluto mo eh accepted na gulay na yan,, wag ng kontrahin dahil isinama na nga to sa bahay kubo eh) bawang at ...luya? anyway norway... ang gusto ko lng namang "bigyan diin" (hmm masarap tong gawin pag kayakap ang gelpren) ahuumm.... balik tayo sa "bigyang diin"... ang gusto ko lang sabihin eh buong buhay nating mga Asyanong nagmula sa (flashback nung elementary: Negrito,....ummmm Indones,,,,, ummm Martians?.. ah basta yun na yun) na in-short ay mga Pilipino eh ang mga kilala na lang na kainin ay Karne ng Baboy,,, Karne ng Manok... Isda,, Gulay,,na paulit ulit nalang,,, na pare-pareho at paulit ulit lang din naman ang mga luto.... siguro dumadami lang ang "variation" (waw syet ingles) ng isang "ulam"kapag ganito

              Prito #1 Maalat ng konte
              Prito #2 Matabang / walang lasa
              Prito #3 Sunog
              Prito #4 Hilaw

.................yun na lang ang nangyayaring pag kakaiba sa mga kakainin nating mga "putahe",, ang masasabi mo nalang eh "puta.....tae",

swerte nung ibang lahi pag dating sa mga lokal o native na "meat" na pwede nilang gawin pagkain,,,halimbawa sa mga australian... pinu-food trip nila ang kangaroo, tumitira din yata sila ng ostrich, tumitira narin minsan ng buwaya,, ewan ko lang kung kinakain nila yung "koala" ahehe,,, yung mga taga Africa kahit medyo mahirap ang buhay doon eh tumitira sila ng elepante...(parang mahirap tirahin ang elepante..palitan ko nga word ko) "kumakain sila ng elepante" yaaan,,,, may mga kung anu anung klaseng hayop ang nandoon,, wag ka mag alala wala ka naman sa africa kaya naman kahit "hayop" ka ligtas ka.. biro lang po pis pis pis....d ko masyado maipag malaki yung sa pinu-food trip natin....kaya nga baboy at manok nalang binabanggit ko.. biruin mo ba naman,, Aso, Daga, Kuliglig, Bayawak, Sapatos, Tsinelas,,, iba talaga buhay dito sa atin,,, Tama!.. siguro dahil na rin sa hirap ng buhay kaya ganun,,, edi ako rin ang sumagot sa tanong ko,,, anak ng pucha, oo nga ano? baka dahil lang talaga sa kahirapan kaya maunti lang talaga ang mapapagpilian para sa pang araw araw na pagkain...kung lahat tayo maraming pera malamang kumakain tayo ng "Gold Plated na Pritong Tilapia".... ahehe,,,

salamat po pala ulit sa mga nagbabasa ng mga insinusulat ko (tina-type?), maraming salamat sa suporta,,, di ko po makukuha ang award na to kung hindi dahil sa inyo,, (hehe praktis lang yan, di naman masamang mangarap wala namang monthly na bayad yun eh)
                       

ito pa ay isa sa aking mga entry para sa pacontest ni gillboard
-------------------------------------------------------------

4 (na) komento:

  1. natawa ako dto sa kwento mo.. doon ako sa inihaw na isda.. ang salap!! hahaha

    TumugonBurahin
  2. salamat po sa pagsali... pero para maging qualified po yung entry ninyo, kailangan niyo po itong i-repost...

    and lalagyan niyo po ng link pabalik sa contest... check niyo ibang sumali.

    pwede po maraming entries, basta tama yung format. :)

    TumugonBurahin
  3. @gillboard ---ok po:) na excite lang po siguro ako kaya di ko na inintindi masyado ang mechanics..hehe salamat po

    TumugonBurahin