mga naligaw ng landas

Miyerkules, Hunyo 29, 2011

renovation at session, basta magkatunog pwede yon

"Pinukpok ko lang naman yung pako palubog dun sa computer,,,
bakit kaya nasira? "hardware" din naman yun ah ...."

bagong pintura nanaman ang blog ko mga pre,,, yun nga lang medyo nagtagal nanaman ako sa pag papasok ng mga bagong post dito sa blog na to,,,, hirap din mag pa-renovate ng blog eh, nangontrata pa ko ng tatlong Pintor, isang Welder at dalawang Helper hehe,.. anyway kabutey,,, minsan kasi ang sarap balikan ang mga nangyayari pag nag iinom ang mga magkakabarkada tapos magkukwentuhan kinabukasan ng mga bagay-bagay na naaalala nila nung gabing mga sabog at nakainom sila,,, nakapag enumerate nako ng mga "nangyayari sa mga nag-iinom o mga ilan-ilang mga pangyayari habang nagiinom" pero syempre ako pa,,, gusto ko pang dugsungan yung mga sinabi ko noon at ibahagi narin ang ilan sa mga naranasan ko,,, bakit hindi? wala ka na din namang magagawa dahil blog ko to eh ehe ehe ehe,,*ubo..*ubo..

umaga na......marami talagang masasayang pag balik tanaw sa mga pangyayari nung gabi na nag iinuman ang mga tropa... merong rocker na nag sasayaw habang natunog ang mga "chug! chug! chug! throw your hands up in the air!" na tunog, may mga in-love na nag-aaway at may mga di naman magkakakilala pero nag me-make love bwahaha… may mga bobo na tumatalino, may mga matalinong nagiging bobo, may mga poging nagiging panget at may panget na nagiging kamuka ko,,,(tsk swerte naman nun haha), pag sa kalagitnaan ng inuman at tinalaban na ng alak ang members ng “drinking committee” eh lahat ng klaseng kalokohan mapapagusapan... pero mas madalas ang usapan ay malamang sadyang puro "kalokohan", katulad nung sabi ng tropa ko, nagtanong siya sa akin,,, pare,,, anu ba yung salitang “theory”? ako naman syempre ang sabi ko “pare ganto yan ang theory ay contemplation or speculation, as opposed to action, pero alam ko mahilig kang manood ng “discovery channel" kaya ang scientific theory naman ay ganto “a principle or body of principles for explaining a class of phenomena” napangisi ako sabay close ng “wikipedia” sa harap ko,, (malapit lng sa pwesto ng PC ko ang inuman place namin ehe ehe)…. Sabi nung tropa ko,, ah ganun ba pre… kasi yung kaibigan ko na kainuman ko dati eh muntik na kaming mag suntukan,,, ipinipilit nya kasi na, “bisyo” daw ang “theory” ………. Pagkasabi nyang yun ay nagkatinginan kaming lahat … isang malamig na katahimikan sabay isang masigabong halakhakan,,, medyo di masyadong nakakatawa yung laman nung sinasabi nya pero pag nakita nyo naman ang pagdedeliver nya nung parang inosenteng laseng na "enlightened",, ibang klase matatawa ka talaga…. Minsan naman pag nanonood kami ng mga “cooking show” sa TV habang nag iinuman (lakas trip eh cooking show while drinking?) eh natatawa ako sa mga palitan namin ng mga opinion,, sasabihin nung isa, “Waw ang sarap nan” kokontra naman yung isa “ay, hindi ako kumakain ng ganan”… tapos mag iiba naman yung lulutuin dun sa pinapanood namin tapos yung isa naman ang magsasabing “waw ang sarap nan” yung isa naman ang magsasabing “yuck yoko nan’ di ako nakain ng ganan kadiri” mga baliw anu po?  …… minsan napapansin ko medyo may mga inuman din na nangyayari na parang may kanya kanyang mundo ang mga kainuman ko pati na rin ako,, yung isa nag so-solitaryo, yung isa nagttxt lng ng nagttxt, yung isa nanonood ng TV, yung isa pokus lang sa paglaspag sa pulutan, yung isa busy sa pag sa-sound trip, tapos ako naman busy sa PC.. parang pag naubos na yung alak, ganto nalang eh….”tulugan na tayo mga pre,,, nxt time nalang ulet” medyo napaptawa ako kasi parang wala lang eh, para kaming nag iinom sa kumbento,,, walang nag uusap at walang umiimik, mas masaya pa mag-inom sa lamay pag ganun eh,,, paminsan minsan masarap din ang maingay,, maingay yung music kahit todo todo pa,,, ang ayoko lang yung naghihiyawan tapos nag-iingay na walang kakwenta kwenta naman ang inilalabas na tunog katulad ng “WOOOOOO!!!!!,,, WEEEEEE!!! at AAAAAAAAHHH!!!, pasensya na pero, ilang libo o milyong taon napo ang nakalipas simula nung nag evolve ang mga tao,,, maalam napo tayong mag salita ng mayroong katuturan,,, di na po tayo cave man ha? ….. moving on pancit canton… mahilig din nga pala akong magluto ng pulutan pag may session na magaganap,, kahit sa mismong session tapos tinamaan ako ng alak,, kahit anong mahahanap ko sa refrigerator eh iluluto ko,,,, kahit sibuyas iluluto ko yan basta may ihain ako sa inuman,, uhmm.... teka di ko lng masaydo maalala,,, nung mga ilang nakalipas na buwan naalala ko parang may “Aso” pa kami eh,,, nagtataka lang ako bakit ang tagal na niyang nawawala,,, hmmm baka nadampot lang siguro ng mga nagro-rondang barangay tanod,,,, hmmm oh well,,, hanggang d2 nalang po ulit muna ako,, kakahiya na sa boss ko,, 1:30pm napo ngaun at lagpas lagpas nako sa lunch break namin,,, “til next time po at salamat sa inyong pagbabasa!!! !@#$! (hindi ako galit…. Nagpapaliwang lang)…

2 komento:

  1. Pareng undergrad. Its nice to know you didnt finish college like me. And all I can see, is you are a keen observer which is good. I am hunting for blog readers who is a Filipino who can ponder with me, and reason with me on things which discusses intelligencia.

    You are right. The inuman sessions are beginning to evolve into non-talking sessions because of texting and facebook. These past few years, nawala na ang gitara sa inuman and nawala ang mga deep-convesations or just talking to your problems. Napalitan na ito ng text or, pag update sa status mo sa facebook. Or just throw witty lines on that wall and wait for the "LIKES" they will throw with bunch of clicks to satisfy your social hunger.

    Visit my blog :

    http://rageagaintsthematsing.blogspot.com/

    TumugonBurahin
  2. ganan na nga talaga ngayon,,, pinapaglagpas ko nalang yung mga nakakatulog,, malamang lasing na yun, geh "ay palo yu bak"

    TumugonBurahin