mga naligaw ng landas

Sabado, Mayo 1, 2010

WTF!?

May kasabihan daw ang mga Pilipino na; Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.,,,,,, hmm wala naman akong angal sa kasabihang yan, hindi ba mas merong twist na malupit kung ginawa nung may akda ng kasabihang yan na; "Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw kasi nakapatong sa bubong at minsan ay may tao na basag ang bungo at labas ang utak pag nasa ilalim"..... O wag na magreklamo,, naisip ko lang naman eh. May kasabihan naman na pag inisip mo ng masinsinan ay parang nag va-violate ng "animal rights" katulad nito: "Matalino man ang matsing, napaglalamangan din." eh langya naman,, sinabihan na nga ng matalino yung matsing tapos parang binawi pa at pinagmukhang tanga kasi matalino nga naisahan pa,, edi tanga,, a ewan,,, at bakit lagi nalang napagtitrripan ang unggoy? dahil ba kamukha mo sya? joke lang po hoho pis :) . Eto ang aking panghuli kasi tinatamad na ko,,,, "Anuman ang gagawin, makapitong isipin" ,,, eh eh,, anak ng pitong pusa naman,, kaiisip mo hindi mo na yan magagawa,, PITONG beses mo ba namang isipin,, ang tagal kaya nun,, yung isang beses na pagiisip nga lang matagal na eh, parang ganto (halimbawa) VICTIM: HELP! nasusunog ang bahay namin tulong di ako makalabas!! IKAW: WAIT LANG PO! pitong beses ko muna iisipin,, (one,,,,,hmmmmm,,,,, two,,,,,,) WAIT LANG PO! LIMA na lang!!..... Hehe nak ng pusa,, patay, deds and toasted na,, hay you get the picture.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento