mga naligaw ng landas

Martes, Hunyo 23, 2015

Random Thoughts (Mga munting kaisipan sa paksa na "Debate")

(credits to the owner of this pic - di ko na kailangang ipaliwanag ito :)

May mga sistema o paraan na naisip at ginawa ang sibilisadong tao para maging maayos ang mga paguusap, talakayan o ang mga proseso ng mga bagay-bagay sa lipunan para daw sa ikakabuti ng lahat ng tao, ngunit paano kung iyong mga "pinag-isipan pala ng mabuti" na iyon ay mas higit pa palang nakakasama kapag hindi naisagawa ng tama..

DEBATE - Ang pag de-debate ay walang kasing inam lalo na kung makakapag pahayag ka ng opinyon o kundi naman kaya ay ang maka salungat ka sa opinyon ng iba, ngunit paano ba ito nakakasama sa mga taong idinadaan o ini-aasa ang mga desisyon sa isang debate o sa pakikipag tagisan ng opinyon laban sa opinyon ng iba?

Hindi ko rin alam kung tama ang palagay ko pero syempre katulad ng nakagawian sa Blog na ito eh.... makikialam parin ako :)

Sa Palagay ko lamang ang Debate ay mabuti kung meron lamang nakatakdang oras para pag debate-han ang isang bagay (yun ay kung meron nga na nakatakdang oras ngunit kung wala parin mapagkasunduan? edi "naka-bitin" lang ito at hindi parin na-solusyunan ang isang problema) ngunit sa sandali na ito ay ang naging dahilan para bumagal ang pagkilos ng desisyon o pagpapasya ay parang mas nakakasama pa ito.

"Agree to Disagree" nga daw sabi ng marami, pero dahil sa salitang iyan ay sa tingin ko mas bumabagal ang mga pag papasya lalo na sa panig ng mga nakaupo sa pwesto (kadalasan sa gobyerno,, pwede rin sa pribado ngunit bibihira siguro) syempre magpapataasan ng ihi ang mga nasa ehekotibo, bangayan ng mga yagbols,, kahit mali, hahanapan ng konting tama para mailaban lang ang sariling pahayag.

Katulad ng sinabi ko kanina "hindi ko alam kung tama ba ang mga katwiran ko" pero naiisip ko na rin tuloy minsan,, gaano na ba katalino ang tingin ng tao sa kanyang sarili? hindi naba natin kayang tumanggap ng simpleng mga salita? gawin ito at tsaka nalang magreklamo depende sa magiging resulta nito?

Isa lang po palagay ito. Salamat ulit sa mga bumisita sa Blog na ito,
Magandang Araw sa Lahat :)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento