mga naligaw ng landas

Biyernes, Marso 28, 2014

Minsan mas tao pa ang aso

Mabait pala talaga ang mga alaga kong aso, kahit minsan namumura ko sila kahit papaano pag nagtatatahol habang may pinapanood akong maganda o pag nabubulahaw ako pagnatutulog ako, pero mas madalas nakakatuwa sila dahil sa mga simpleng bagay, katulad ng masaya at super hyper sa pagka excited na pagsalubong sa akin pagka galing ko sa trabaho, o yung habang nakahiga ako eh bigla nalang totopaken at mahihiga nalang din bigla sa may paanan ko o sa may ulunan ko,.. sa hayop yan ha, sila kasi ginagawa nila yung "ginagawa" talga nila, yung mga "tama" nilang gawin, pero sa mga susunod na halimbawa ko ay hindi naman sa ikinukumpara ko ang aso sa tao (alam ko na malayo sa maraming bagay), ang punto ko lang, mas magaling pang magpakahayop ang aso kaysa magpaka-tao ang TAO.

Ibang klase talaga mundo ngayon

May mga nakasabay akong estudyante (itatago ko nalang ang pangalan ng kanilang unibersidad, medyo maypagka balat sibuyas tong mga to),,, eh may matanda (senior citizen moves na siguro) ang umakyat at sumakay ng jeepney... imbis na umipod, itinuro pa yung bakante sa may likod ng driver, palakpakan... PAALALA: yun pong upuan malapit sa tabi ng entrance/exit ng dyip ay para sa mga Senior Citizens at PWD. kasira ng friday-funday eh.

Yung mga makakasalubong sa daan, imbis na mag iwasan kayo, yung ibang walang modo eh talaga namang babanggain ka,,, (madalas mangyari sakin yan),,, ang ipinagtataka ko lang, yung mga nasa estadong pagka-"Nanay" pa yung tipong 40's to 50's ba.. sila yung tipong pag nasagi ka eh,, parang galit pa sayo.

Yung mga nag-moo-moon-walk effect pa habang dumadaan sa harap ng dalwang nag-uusap. mapapamura ka sa sarap.

hehe, wala akong masabi, yan yung tatlong naranasan ko ng madalas nitong nakaraang linggo,. sana maging maayos na sa susunod na linggo, tingin ko hindi na kailangan ng tao ang kahit anu pang pangaral para maging disiplinado, natural na lalabas nalang siguro yun,, pwera nalang kundi ka talaga akma sa maayos na pakikitungo sa kapwa mo, daig ka pa ni doggy nan.






4 (na) komento:

  1. Ay meron ding babaeng nasa 50s na nangbangga sa akin as in kitang kita ko yung malice sa pagmumukha nya, sinadya nya at nakangisi pa. Buti na lang hindi ako natumba kasi may bato dun sa tutumbahan ko at baka naibato ko sa kanya. Baka same person yung bumangga sa atin? LOL

    TumugonBurahin
  2. baka pareho nga sir! tirahin na natin! hehe salamat sa bisita

    TumugonBurahin
  3. Siguro malapit na nga ang end of the world; ang hayop kasi makatao na ang ugali at ang mga tao masyado ng makahayop.

    TumugonBurahin
  4. @limarx214 - tama ka, at isa pa, yung mga nagpupumilit nga na magpakatao hirap na hirap kahit magkusa o sadyain pa nila na maging totoong tao para sa kapwa nila eh, kaso wala pa rin ... ayun lumalabas parin ang mga kahayupan. eh lalo na siguro yung mga asal hayop na walang kaalam alam sa mga kinikilos nilla

    -salamat po sa pagbisita

    TumugonBurahin