mga naligaw ng landas

Biyernes, Pebrero 1, 2013

Mabangis na Hayop

mas lumalabnaw pa sa sabaw ng sinigang without the "miso" ang utak ko, wala akong maisip na isulat at wala pa ring "bright" idea ang naikakabit sa bukilya ko, ....dahil diyan ipo-post ko nalang, ang nakakapangilabot, nakakasindak at nakaka-bangungot na mga litrato ng aking mabangis na alagang hayop... isang breed ito na kayang kumitil at pumatay ng walang pag-aalinlangan eto siya....

GRAAAAWR!
huwaaaaaAAAARRRRRRKKK!!!!! (kumakanta yan ng songs ng SLIPKNOT!)

...si "khasey" nga pala ito, ang aso namin d2 sa bahay....natatakot na ko dahil hilig nya ang pumatay ....ng ipis at kitilin at gusutin ang bagong plantsa kong pantalon, mixed shih-tzu at jap. spitz, pero pag gusto daw paiklin yung tawag eh "bullshit" na lang daw ang itawag sabi nung vet nya.. ahehe halatang wala na kong masabi, cge hanggang sa susunod ulit, mas magiging "random" pa ko sa tatay mong kalbo! (...anung konek...nun...?) ah basta!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento